Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pia nagtaray, dinepensahan si Alan

0 404

Nagtaray si senador Pia Cayetano sa budget hearing sa Senado kasabay ng pagdepensa sa nakababatang kapatid na si Speaker Alan Peter Cayetano matapos matalakay ang posibleng pagkakaroon ng reenacted budget kasunod nang maagang suspensyon ng sesyon sa Kamara sa gitna ng bangayan sa isyu ng Speakership.

“This talk on reenacted budget does not help any of us. It just fuels the political charade,” pahayag ng senadora matapos sumingit sa diskusyon sa pagitan nina Senador Bong Go at Health Secretary Francis Duque sa pagdinig ng panukalang 2021 budget ng Department of Health.

Sa nasabing pagdinig, binanggit ni Duque ang pondo para sa ilang health programs ng gobyerno na maaring mabawasan kung hindi maaprubahan ng Kongreso ang 2021 budget sa takdang oras.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nangangahulugan aniya ito na posibleng magkaroon ng isang reenacted 2020 budget na walang walang probisyon para sa COVID-19 crisis.

“We cannot deny that my brother is the Speaker of the House and for those of you who have not heard me say it, and who have not heard him say it, there is no reenacted budget that will happen,” sabi ni Cayetano.

“‘Wag na sana i-discuss ‘yang reenacted budget na ‘yan kasi hindi mangyayari po,” sambit pa nito.

(Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.