Abante Tonite Interactive

Pia naputian sa puwet ni Gerald

By
4,034

SA presscon ng My Perfect You na pinagbibidahan Gerald Anderson at Pia Wurtzbach ay kinumpirma in person ng Miss Universe 2015 na talaga maputi ang puwet ng kanyang leading man.

Sa trailer kasi ay may eksenang nasilip ni Pia ang butt ni Gerald at sumi­gaw siya ng ‘ang puti!’
Natanong tuloy si Pia sa presscon kung talaga bang maputi at sagot ni Pia, “butas talaga ‘yung towel na ‘yun, so totoong skin niya ‘yun.”

Sabi naman ni Ge­rald, “puwet ko talaga ‘yun, eh.”

Abante Hiring – IT dep

Sa Zambales pa kinunan ang pelikula at naka-lock in sila roon for 12 straight days na sobrang luma pa raw ang cottages na tinirhan nila pero, ani Gerald, sobrang ganda raw ng lugar.

Pero dito raw talaga sila mas naging close at dito nadiskubre ni Gerald na kahit Miss Universe si Pia ay wala raw itong kaarte-arte.

“Medyo mahirap talaga, nakita ko ‘yung location, ‘yung cottages namin, ‘yung CR, medyo hindi pang-Miss Universe eh, so sabi ko, baka mahirapan, parang nakakahiya kasi.

“Pero siya ‘yung mas kalog, eh. Siya ‘yung mas down to earth, siya ‘yung mas cowboy. Siya ‘yung sobrang komportableng kasama,” pahayag ni Ge­rald.

The movie is directed by Cathy Garcia-Molina at ikinaaliw ng lahat ang mga sinabi niya sa kanyang dalawang bida.

Diretso niyang sinabi na hindi raw niya gustong umarte si Gerald noong una at first time niyang nagustuhan ang acting nito sa pelikulang Always Be My Maybe with Arci Muñoz.

Habang nagsu-shoo­ting sila ay doon niya raw unti-unting minahal ang aktor.

“Sobra po, tinapak-tapakan ko ang ego ng taong ito (Gerald). Wala nang preno ang bibig ko. All for one intention – I want to bring you who Gerald really is or maybe what else Gerald can bring,” pahayag ni direk Cathy.

Gusto lang daw niyang makita kung hanggang saan ang range ni Gerald at bilang lalaki, alam niyang nasaktan niya ang ego nito.

“But I admire him for allowing me na tapakan ika nga siya at rendahan,” she said.

Finally ay naging guwapo na raw si Gerald sa paningin niya and even saw John Lloyd Cruz in him nang panoorin niya ang pag-arte nito sa en­ding.

“Habang nanonood ako, nakita ko si John Lloyd. I don’t know if it’s a good thing but it’s a performance, a sincere performance that I only get from a John Lloyd Cruz,” pahayag ni direk Cathy.

Sinabihan din ni Direk Cathy si Pia na hindi maganda at mataba. Ga­ling kasi sa bakasyon noon si Pia at lumusog bago simulan ang natu­rang pelikula.

Showing na ang My Perfect You sa March 14.

Geoff binago ng pagiging ama

“I’M not the same Geoff I was six months ago,” ang pahayag ni Geoff Eigenmann nang makapana­yam siya ng entertainment press at the presscon of Contessa ng GMA-7 kung saan ay leading man siya ni Glaiza de Castro na gumaganap naman bilang Contessa.

Ayon sa aktor, sobrang marami raw nagbago sa kanya simula nang isilang ang anak nila ni Maya (of former duo Migz and Maya) at maging isa na siyang ganap na ama.

“Maraming nagbago, sobrang maraming nagbago when our daughter arrived,” he said.

Lahat daw ay nagbago. Mas inspired daw siya ngayon at maging ang outlook niya sa buhay ay nagbago.

“How I see things, how I react to things, more understanding of people, mga ganu’n, not just people but everything’s that happening. I guess I’m more conscious of what’s happening around me, people around me, like instead reacting to kunyari, how people are, I try to understand why they’re reacting that way, mga ganun’g klaseng bagay,” pag-e-elaborate pa ni Geoff.

Matatandaang nagsilang si Maya last Sept. 23, 2017 to a healthy baby girl na pinangalanan nilang Arabella Simone Eigenmann.

Asked kung kelan naman nila binabalak pa­kasal, ayon kay Geoff, of course ay may wedding plans.

“Like I said, hindi pa naman priority pero napag-usapan na namin. Syempre, ako, gusto kong mapatunayan din sa lahat ng mga tao, and siyempe, to Maya na I’m hers and no else’s. Siguro, ‘yun ‘yung punctuation talaga na talagang ano, eh, kung baga, ‘yun ‘yung seal na legit talaga. So, soon, soon,” masayang wika pa ng aktor.

Si Maya naman daw ay hindi pa bumabalik sa pagkanta dahil nagpapa-breast feed pa raw ito ngayon at naka-focus sa kanilang baby na six months old pa lang.