Abante Tonite Interactive

Pia nilalabanan ang sirang araw

0 267

“Ladies with the perfect attitude and fashion sense,” ang diva that you love iyan ang reaksyon matapos masilayan sina Philippines 3rd Ms. Universe Pia Wurtzbach at si Iza Calzado sa launch ng isang high end fashion brand.

Ang FB post ni Calzado tungkol dito: “Miss Universe and Miss Congeniality! 👑👑 Pagbigyan niyo na ako, guys! 😬 Pleasure catching up with Queen @piawurtzbach at the opening of the first @versace store in the PH. Thanks for these amazing photos.”

At amazing talaga ang photos, huh! Si Iza naka-black dress with the trademark Versace pins as accent at ayaw paawat ang kanyang red boots.

Si Pia naman, parang naka-brown dress, golden belt. Boots rin at copper jacket.

Si Queen P, ay galing din sa Bali with her sister and closest of friends. Pagkatapos nun, may vlog siyang inilabas sharing na may araw na she also has bad hair and worst days.

Paliwanag ni Wurtzbach sa isang payaman, “ luma na ang vlog” at itinangging siya ay depressed. She is just like us raw na minsan may uncertainties pero she knows how to snap out of it and count her blessings.

Kasal ni Angel aayusin na

Ngayong tapos na umere ang “The General’s Daughter” kung saan major, major bida si Angel Locsin, ano kaya ang susunod na aabangan sa kanya?

Sa true lang, she deserves a longish vacation. Pinanood naman natin lahat kung gaano tumakbo, makipaghabulan, magputok ng mga high caliber gangs, umakyat sa building, umangkas at sumabit sa truck, may jet ski, mag scuba diving at kung ano-ano pa si Locsin. Idagdag mo pa diyan ang dramatic requirement ng kanyang katauhan bilang Arabella/Rhian.

Kung magsa-sabbatical si Locsin. Walang problema. Ang sunod na tanong, aayusin na kaya nila ni Neil Arce ang kanilang pagpapakasal?

Vanessa bitter sa pagbawi ng korona?

May reaction ba tayo dapat sa mga cryptic message ni dethroned Miss Eco Teen Philippines 2019 Vanessa Mae Walters? Parang wala naman dapat.

Sabi ko nga, apat lang ang major beauty titles, Ms. Universe, Ms. World, Ms. International at Ms. Earth. After these big four, sampu-samperang titles na lang ang mga iyan. We are a nation obsessed with beauty queen and pageants at ang feeling natin ang tagumpay of a kandidata kahit pa nga pang-barangayan o pang-kanto ang level, ay tagumpay rin nating lahat.

Kung gusto ni Walters na magpaka-bitter, magpaka-kontrobersyal at i-milk dry ang kanyang 15 minutes of infamy, hayaan na natin ang siya. She is still relatively young, karapatan naman niyang ilabas ang kanyang mga saloobin. After all, nasa demokrasya naman tayo, the last time I checked.

James-Nancy: Trabaho lang, walang personalan

Nagbubunyi ang mga JaDine fanatic kasi nga para kay James Reid, Nadine Lustre is his only one.

Ang proyekto niya kay Nancy McDonie ng Momoland ay falling under the category na “trabaho lang, walang personalan.”