Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pia nilayasan ng ex-beauty queen sa kaartehan

0 105

NI: ARCHIE LIAO

Sa vlog ng The Queens, sumalang sa Spicy Noodle challenge si Pia Wurtzbach kasama ang mga co-beauty queens na sina Bianca Guidotti at Carla Lizardo.

Sa simula pa lang, mababa ang energy ni Pia dahil di raw niya type ang konsepto ng spicy noodle challenge.

For one, hindi rin daw naman siya into spicy foods.

Hindi naman nagustuhan ni Bianca ang pag-iinarte ni Pia.

Inilabas nito ang sama ng loob sa actress sa pagkakaroon nito ng “attitude.”

Nagkasagutan din ang dalawa dahilan para mag-walk out si Bianca sa kanilang session.

Sey naman ni Pia, nakakahiya ang ginawa ng kaibigan dahil maraming taong nanonood sa paligid ang naiiskandalo sa kanilang away.

Sinundan pa ni Pia si Bianca sa elevator para kumprontahin ito kung saan sumunod si Carla para mamagitan.

Sa huli, napag-usapan nilang pumunta sa isang kuwarto upang doon iresolba ang kanilang differences.

Later in the video, na-reveal naman na prank lang pala ang away nina Pia at Bianca na napasakay nila sa kanilang aktingan si Carla.

Ani Pia, plinano raw nila ni Bianca ang prank sa tulong ng kanyang team the night before.

Pag-amin pa siya, naging kabado raw siya sa kanilang naging drama dahil baka may panigan si Carla sa isa sa kanila na maging dahilan para magwakas nang tuluyan ang kanilang friendship.

Leave A Reply

Your email address will not be published.