Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pia pahinga sa pag-arte

0 108

NI: VINIA VIVAR

Simula nang nag-pandemic ay hindi na napanood si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa mga acting projects at ang pinagkakaabalahan niya lang ngayon ay ang podcast sa Spotify na Between Us Queens.

Sey nga ni Pia, ang naturang podcast daw ay perfect sa kanyang lifestyle ngayon dahil nga sa pandemya. Bukod dito ay nagi-enjoy pa raw siya sa mga topics na dini-discuss nila ng mga kasamang beauty queen friends na sina Bianca Guidotti and Carla Lizardo.

Aminado si Pia na wala raw munang acting for her at ang dahilan ay ang kanyang boyfriend na si Jeremy Jauncy.

SM food to go Banner Ad

“When it comes to acting wala muna, kasi din, hindi na kami makakapagkita ni Jeremy pag nag-acting ako, Mamsh!” sabi niya sa isang interview.

For sure ay kilig na kilig naman si Jeremy na mas priority siya ng GF kaysa career.

Anyway, sobrang miss na miss na nina Jeremy at Pia ang isa’t isa dahil hindi pa sila nagkikita ulit simula nang umuwi siya sa Pinas last March mula sa Morrocco.

Sa Instagram page ni Jeremy ay may pa-countdown siya’t inip na inip na sa muli nilang pagkikita. Aniya sa latest post, 2 weeks na lang daw at magkikita na sila. Panay naman ang sagot ni Pia ng “I miss you too” sa mga post ng BF.

Leave A Reply

Your email address will not be published.