Abante Tonite Interactive

Pia pinalitan si Rhea

563

Nakaalis na sa bansa last August 6, 2019 ang award-winning news anchor, TV host at broadcast journalist na si Rhea Santos patungong Canada kasama ang kanyang husband na si Carlo de Guzman at dalawang anak para roon na mamirmihan. Balak din ni Rhea na mag-aral sa Canada ng Online Journalism.

Ang isa pang award-winning resident broadcast journalist, news anchor at TV host na si Pia Arcangel ang pumalit kay Rhea bilang host ng long-running at inspiring documentary show na “Tunay na Buhay” na nagsimulang mapanood last Wednesday, August 14.

Inamin ni Pia na sobra umano siyang na-overwhelm nang ibigay sa kanya ang hosting job ng “Tunay na Buhay” dahil sinusubaybayan umano niya ang programa hosted ng dati niyang kasamahan sa GMA News and Public Affairs.

Bukod sa pagiging news anchor ng “Saksi” at “24 Oras Weekend”, si Pia ay napapanood din regularly sa morning show na “Unang Hirit”.

(Aster Amoyo)