Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pia pumalag sa tapyas suso

0 185

NI: ALWIN IGNACIO

Marami ang aliw na aliw sa True or False game na walang halong pag-iimbot at buong katapayang tinugunan ni the Philippines 3rd Ms. Universe Pia Wurtzbach.

Alam naman natin na ang fascination kay Queen P has not only grown by leaps and bounds kundi exponentially. At mas lalong nagdagdag siyempre ng estrella sa kanyang rainbow colored life ang kanyang beloved, ang papale papa for all seasons, ang borta kung bortang A-lister na si Jeremy Jauncey.

Dalawang tanong sa IG True or False ang nagpakita na si Pia is forever grounded, walang inflated ego at every inch a Miss Universe.

Sa urirat na kung engaged na ba sila ni Jauncey, ang mabilis niyang tugon: “It’s not true. Alam ko may video sa YouTube na nagsasabing we are engaged. If it was true, trust me you’d know. Hahaha!”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naku, ang followers ni Queen P, parang mas atat pa silang lahat na talagang maging magkabiyak na ang jetsetting power couple na talaga namang always looking fabulous together sa kanilang mga shared photo opportunities.’

Ang pangalawang tanong ay kung bet ba nitong magpa-breast reduction na sinagot ni Wurtzbach na talagang calm, collected at yes, Ms. U kung Ms. U ang sagot: “There was a time when I was much younger, na Iwas thinkingabout it. But then, hindi ko siya tinuloy kasi malaking scars ang maiiwan niya so buti na lang. And I also realized na di ako dapat magpaapekto sa mga sinasabi ng ibang tao. So I accepted myself na lang. Be confident with your bodies. I am glad I didn’t let my insecurities get to me.”

Oh di ba, what an honest answer! At napaka-humble at that pa. Imagine, ang nag-iisang Queen P pala ay may mga panahong may agam-agam at may kawalang-katiyakan tungkol sa kanyang alindog.

At nauunawaan ko naman ang pagiging mausisa tungkol sa kanyang mga suso. Talaga naman kasing mala-pomelo 1 and pomelo 2 na takaw pansin lalo pag two piece bikini swimsuit ang kanyang saplot at ang best accessory niya of course ay ang Venezuelan jowa niyang si Jeremy.

Simply put, ang gustong iparating ni Pia Alonzo Wurtzbach sa lahat, we are all beautiful because of our uniqueness. ‘Yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.