Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pia sure na kay Jeremy

0 126

NI: VINIA VIVAR

Natagpuan na nga ni Queen Pia Wurtzbach ang kanyang King sa katauhan ng current boyfriend niya ngayon na si Jeremy Jauncey.

“Jeremy is the one!” pagkumpirma niya sa kanyang panayam sa Mega Entertainment.

Sa nasabing panayam ay ikinuwento niya muna kung paano nagsimula ang kanilang relasyon.

“Hindi love at first sight, noong nakita ko si Jeremy, ‘Mahal na kita!’ Hindi naman ganun ‘yun. Parang siyempre di ba, you get to know the person and after a while of seeing each other, I remember going to bed one night, tapos na-catch ko yung sariil ko na nakangiti ako habang nakapikit. Alam mo yung parang nakahiga na akong ganun pero nakangiti parin ako tapos sabi ko ‘Oh my god, anong nangyayari sa akin?!’ Parang first time kong ma-feel na talagang gustong-gusto ako.

“First time ko ma-feel na parang, wow, ang sarap nung feeling na gusto ka niya. Well, hindi ko naman sinasabi na hindi ko na-feel sa iba yun pero iba kasi ‘to. Alam mo yung parang hindi lang kilig eh, parang secured ka tapos hindi ka nag-aalala na baka may iba pa syang niliigawan parang ang ganda ko. Ganun yung feeling,” pahayag ni Pia.

SM food to go Banner Ad

Sa London daw sila unang nagkakilala and months later, Jeremy officially asked her to be his girlfriend. Pia recalled na New Year’s eve nun’g time na ‘yun.

“It was on New Year’s Even ng December 31, kasi we already planned to spend New Year’s together, separately, I mean with our respective families and then New Year’s, we said we are going to travel together, tapos at that point, wala pang I love you, or anything so I guess noong day na nag-ask siya, same day siya nag ‘I love you,’ same day siya nag ask,” kwento ni Pia.

“Basta magkasama lang kami, masaya na and I know what people see online and on the internet are all literally beautiful destinations and like all these places but really our best moments are when we’re just with each other and that could be in a park, that could be stuck in airport like waiting for five hours or more, it doesn’t matter to us where we are, as long as we have each other. Wow!

“Jeremy is the one!” pagtatapos ni Miss Universe 2015.

Leave A Reply

Your email address will not be published.