Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pia tigil sabong kay Catriona

0 587

Nagtataka si Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach kung bakit sila laging pinagsasabong ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Aniya sa panayam niya sa Pano Ba To vlog ni Bianca Gonzalez, hindi naman daw sila nag-compete in the same year ni Catriona pero kung bakit nga lagi raw silang pinagkukumpara.

“Because pareho kaming nanalo sa Miss Universe even though we didn’t compete in the same year. My experience was complete different from her year,” she said.

“Pinagsasabong kami ng mga tao,” dagdag pa niya.

Nilinaw niya na okay na okay sila ni Catriona.

“Personally, we’re okay, and wala, wala talagang problema. It’s more of the very passionate supporters and I don’t know why who create this parang idea that we don’t like each other,” sey pa ng beauty queen.

Dagdag pa ni Pia, sana raw ay tigilan na ng mga tao ang pagkukumpara sa mga babae.

“2021 na, tigilan na natin ‘yung pagko-compare sa mga babae sa isa’t isa. Bakit sa lalaki, hindi masyadong ginagawa ‘yun?” natatawang sey pa ni Pia.

Mica , Jay R honeymoon sa pandemya

Isang taon matapos ikasal sa R&B singer na si Jay R, seksing-seksi pa rin ang actress/singer na si Mica Javier .Pinagpapantasyahan pa rin ng mga kalalakihan.

Makikita sa mga Instagram page ni Mica ang kanyang mga sexy photo kahit na nga ba panahon ng pandemya. Everybody’s saying ng na napakaswerte raw ni Jay R sa pagkakaroon ng misis na tulad niya.

Sa isang panayam, sinabi ni Mica na looking forward na siya na magkaroon ng pamilya with Jay R at ipinahayag kung gaano siya kasaya sa piling ng mister.

Matatandaang ikinasal ang dalawa noong March 1, 2020, just before the lockdown. Kung tutuusin ay para pa nga silang nasa honeymoon ngayong pandemya. Ine-enjoy pa ang kanilang bagong kasal status.

Sa isang IG post ni Mica ay sinabi niyang busy raw siya sa pagsulat ng mga kanta.

“Grateful mornings 🌿🤎✨ been writing a lot of new songs lately… can’t wait to share with the world,” post niya.

Matatandaang dating miyembro ng GirlTrendz (GT) si Mica ng It’s Showtime. Pamangkin siya ng Apo Hiking Society singer na si Danny Javier.

Leave A Reply

Your email address will not be published.