Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pia tinawag na plastic

0 277

Dahil sa birthday message ni Pia Wurtzbach sa kanyang nakaalitang kapatid na si Sarah na ipinost niya sa Instagram, sari-saring reaksyon ang natanggap niya mula sa mga netizen. May pumupuri sa kanya bilang isang mabait at sweet sister, pero mayroon ding bumatikos at tinawag pa siyang plastic.

“What do you expect out of this? I am questioning now what is the motive of publicly posting a bday tribute to a person who has done the unthinkable. I have always admired you for your “authenticity” and candor. But this one? This is screaming kaplastikan if only to gain praise how “great” you are as a sister. I have never pegged you as stupid P. So forgive me if I cannot take this whole charade. I don’t believe you are “that” blind,” mahabang komento ng netizen.

In a nice way ay sinagot naman ni Pia ang basher. Ipinaliwanag niyang ok na sila ni Sarah at hindi kaplastikan ang birthday greeting sa kapatid.

“Hayyy.. first of all stop hating on her. She went thru a lot and is still going through some things. We’ve been in good terms for awhile and I always post a birthday greeting for her every year.

“The people who are truly close to me know how much I care about Sarah. Now if you find that unbelievable thats on you. But thats how I feel,” sagot ni Pia.

Anuman daw ang mangyari, kapatid pa rin niya si Sarah at sinabihan ang basher na mag-move-on na.

“Tsaka I dont like being in bad terms with anyone especially family. No matter what happens shes still my only sister and my blood. Everyone makes mistakes.

“Di ka ba marunong mag move on? Ako nga naka move on na ko e,” aniya.

SM food to go Banner Ad

Ang sagot niyang ito ay lumikha na naman ng diskusyon among her followers at kinuyog din ng mga ito ang basher kaya sa huli ay nakiusap si Pia na itigil na ang pag-aaway.

“Tama na ang pagaaway ano ba 😂 bati na tayong lahat! ❤️ ikaw din closetfanngirl alam ko namang love mo talaga ako e,” ang mensahe ng beauty queen sa kanyang followers and supporters.

Gerald gusto nang maging daddy

Sa isang panayam, inamin ni Gerald Anderson na gusto na rin niyang makita ang little Gerald, which means gusto na niyang maging daddy or magkaroon ng sariling pamilya.

“Siguro timing ng buhay natin, eh. Alam na rin natin yun na parang pag mas malapit na ako du’n, eh. And kumbaga gusto ko rin makakita ng malilit na ako, alam mo yun? Yung mga aalagaan ko rin.

“It will also give me yung extra motivation rin to work at pagbutihin ko ‘yung trabaho ko. Ako I think yun rin yung purpose ng buhay nating lahat, di ba? Is to bring life also sa mundo na ‘to.

“And as men, provide for our families. Timing din ng buhay. Sabay-sabay nangyari, yung sa edad ko, pandemic,” sey ni Gerald.

Nagtutugma naman sila ng girlfriend na si Julia Barretto na nagpahayag din na at 26 ay gusto na niyang magkaroon ng sariling pamilya. She’s 24 now kaya two years na lang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.