Abante Tonite Interactive

Pia tine-train si Gazini sa Miss U

484

Ilang buwan na lamang ang nalalabi bago ang prestihiyosong Miss Universe 2019. Magiging mabigat ang pressure sa balikat ng reigning Binibining Pilipinas 2018 Miss U na si Gazini Ganados, lalo na at ang ating bansa ang nakasungkit ng korona noong 2018.

Samantala, kamakailan ay ginanap ang ABS-CBN Ball 2019 at kabilang sa naimbitahan ay ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.

Sa darating na Miss Universe kaya ay mayroon siyang malaking partisipasyon sa preparation ni Gazini sa Miss U 2019?

Sa kanyang Instagram, sinagot niya ang tanong ng isang netizen kung kabilang ba siya sa magte-training kay Gazini.

Aniya, “Oo naman! There’s a lot of us guiding her. Kalma lang. Trust the process. She’s preparing.”

Marami ang umaasa na muling masusungkit ni Gazini ang korona matapos tanghalin na Miss Universe 2018 si Catriona Gray. (Ronaline Avecilla)