Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pia todo suporta kay Rabiya, Catriona dedma

0 211

ROMMEL PLACENTE:Naniniwala ako mga ka-Cuatros na malaki ang tsansa ni Rabiya Mateo na maiuwi ang titulo bilang Miss Universe 2021.

Beauty and brainy kasi siya. Malaking factor na ‘yun para manalo siya. Kapag napasok siya sa top 5, sigurado ako na sa iisang tanong na ibibigay sa kanila ay masasagot niya ‘yun with flying colors. Sabi nga niya sa interview sa kanya ni Pia Wurtzbach, nang mag-guest siya sa online show nito kamakailan ay kumportable na raw siya sa public speaking Salamat daw sa kanyang pagiging lecturer sa Physical Therapy review centers.

Ang tututukan na lang daw niya ay ang kanyang figure. Kaya sinimulan niya nang mag-gym. Aware naman siguro si Rabiya, at ang mga tao behind Miss Universe Philippines na payat siya kaya kailangan pa nga niyang dagdagan ang kanyang laman,di ba?

MILDRED BACUD: Agree naman ako sa ‘yo ka-Cuatros na Rommel.Malaki amg chance niya.Mapalad din siya na iba rin talaga ang suportang binibigay sa kanya ng Frontrow ni RS Francisco lalo na on her journey to the Miss Universe pageant na gaganapin sa April by next year. Kaya naman tiwala si RS na mauuwi niya ang korona.

Pero pansin ko lang parang mas very vocal si Pia sa pagsuporta sa kanya, although nagparating na rin naman ng pagbati si Catriona the day Rabiya got the crown.Baka lang hindi sila close. Isa pa when we had the chance to interview her di ba, super idol talaga niyang beauty queen ay ang may pagkakahawig daw sa kanya na si Megan Young kahit pa Ms. World ang titulo nito at hindi Ms. Universe.

Sa pageantry, kanya-kanyang gusto lang din at close tulad lang din sa showbiz.

Tentative ay sa April of next year na nga ang Ms Universe.Depende pa sa lagay ng pandemya. Pero ngayun pa lang ang grabe na ang paghahanda ni Rabiya. Kung nakikituloy muna ngayun sa Pasay, anytime ay lilipat na siya sa isang condo sa BGC para nga naman during trainings ay hindi na siya laging umuuwi sa Iloilo.

RODEL FERNANDO: Tuloy ang ika-69 edisyon ng Miss Universe kahit may pandemya pero hindi ito mangyayari this year. Mga early next year na ito gaganapin. Ngayon palang ay maraming pageant site at mga personalidad ang nagsasabing malakas ang laban ng bagong Miss Universe Philippines na si Rabiya.

Ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach ay very vocal sa pagsasabing magtatagumpay si Rabiya sa kanyang laban dahil aniya nasa tamang direksyon ang dalaga. Nasa kanya raw ang qualities ng pagiging real queen.

Sa parte naman ng kauna-unahan nating Ms Universe na Gloria Diaz ay napahanga siya ni Rabiya lalo na nang dumaan ito sa pagsubok pagkatapos ng pageant. Positibo ang pananaw ni Gloria na baka ang tubong Iloilo na dalaga ang maging ikalimang Miss Universe ng bansa.

Samantala, mukhang tahimik si Catriona Gray patungkol sa bagong kinoronahang Miss Universe-Philippines. Bagama’t noong una after ng pagkakapanalo ni Rabiya ay ipinagtatanggol niya ito, ngayon ay deadma ang Miss Universe 2018. Naisip na lang namin tuloy baka tumitiyempo lang siya at hinahayaan niyang mag-shine si Iloilo girl. At malayo pa naman ang Miss U pageant baka pag malapit na ay itotodo niya ang suporta sa bagong title holder.

ROLDAN CASTRO: Korek ‘wag agad husgahan si Catriona na dedma kay Rabiya. Malay natin naunahan lang siya ni Pia.

Ang importante ngayon ay paghandaan ni Rabiya ang laban niya lalo’t marami ang naniniwala na maiuuwi niya ang korona.

Speaking of Rabiya, hanga ako sa kanya dahil todo ang pakikiisa niya sa mga outreach ng Frontrow. Talagang tumutulong siya sa distribution at repacking para sa ayuda na naapektuhan ng bagyo sa Bicol at Cagayan.

Nakikita ngayon ang magandang katangian niya bilang

tunay ng reyna.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.