Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pia todo tanggol kay Rabiya

0 1,039

NI: ARCHIE LIAO

May mga tinutuligsa sa pambato ng Pilipinas sa 2021 Ms. Universe na si Rabiya Mateo.

Sey nila, hilaw pa raw ito para sumunod sa mga yapak nina Gloria Diaz, Margie Moran, Pia Wurtzbach at Catriona Gray para sa pandaigdigang beauty pageant.

May mga nagsasabi kasing kulang sa ingay ang kanyang pagkapanalo.

Iba naman ang paniwala ni Pia Wurtzbach nang talakayin nila ito sa online show nilang Queentuhan kasama ang co-beauty queens na sina Carla Lizardo at Bianca Guidotti.

Aniya, dahil pandemya, hindi naman kailangang makapag-guest muna sa show ni Vice Ganda o ma-interview ni Boy Abunda ang isang kandidata para pag-usapan.

Naniniwala siyang ang pagiging totoo nito at natural ang pinakamalaking sandata nito para manalo ng Miss Universe.

Hindi rin daw kailangan na ang kandidata ay may pinakapabolosang gown o national costume para mapansin siya ng mga hurado.

Bukod sa ganda, importante raw ang sinseridad, katalinuhan at puso ng isang kampeon ng isang kandidato para siya ay manalo sa nasabing kumpetisyon.

Agree naman sa kanya ang mga co-host na nagsabing kahit hindi perfect ang grammar ni Rabiya sa pagsagot sa Q and A, naitatawid daw naman nito ang mensaheng kanyang gustong ipaabot.

Pagbabalik-tanaw pa ni Pia noong mag-compete daw siya sa Las Vegas noong 2015, ilang maleta lang ng mga damit at gamit ang kanyang dala.

May kilala nga siyang nanalong beauty queen na isa lang ang gown and yet siya ang nanalo ng much covered beauty title.

Ang 2021 Ms.Universe pageant ay gaganapin sa Hollywood, Florida, USA sa Mayo 16.

Leave A Reply

Your email address will not be published.