Abante Tonite Interactive

Pia Wurtzbach Unang Pilipino sa wax figure ng Madame Tussauds HK

By
233

Kauna-unahang Filipino si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na magkakaroon ng wax figure sa Madame Tussauds sa Hong Kong.

Ito ay matapos na personal na ianunsiyo ng naging pambato ng bansa sa larangan ng kagandahan, ang balita sa kaniyang Instagram na nagsasaad na sa susunod na taon ay makikita na ang kaniyang wax figure sa Madame Tussauds wax museum.

“I have a big announcement! Starting early next year, I’ll be residing in Hong Kong! Well, my wax figure will! So excited to be the first Filipino part of Madame Tussauds! What a birthday treat! Please visit me there. Will be wai­ting for you! ??

@madametussaudshongkong,” pagbibirong saad pa ng naging kontrobersyal na 2015 Miss Universe.

Kasabay naman ng pagkumpirma ng pamunuan ng museum hinggil sa pagtatampok nila kay Pia ay tinukoy nila sa kanilang Instagram post na makakasama na nga ang wax figure ni Pia sa nabanggit na museum mula 2019.

Ang Madame Tussauds ay ­unang binuksan sa London at pagkatapos ay nagbukas ng branches sa iba’t ibang ba­hagi ng mundo kabilang ang Hong Kong noong 2000.

Sa Instagram wall ni Pia ay makikita ang post niya habang pumipirma ng kontrata.

Ang wax sculpture o wax figure ay isang uri ng imahe ng tao na inu­kit mula sa wax.

Nabatid na ang bawat halaga ng nasabing wax sculpture ay umaabot sa USD150,000 hanggang 300,000 o katumbas sa halagang P8 mil­yon hanggang P16 milyon.