Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pialago butata sa Miriam College

0 151

Sinagot ng Miriam College (MC) nitong Huwebes ang naging pahayag ng isa nilang dating estudyante at kasalukuyan nang opisyal ng pamahalaan, na “requirement” diumano sa klase sa naturang kolehiyo ang pagsama sa mga rally.

Nauna rito ay sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Assistant Secretary at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson for Youth Affairs Celine Pialago “requirement” umano sa kanilang klase ang pagsali sa mga rally noong estudyante pa siya.

“I have to admit nung mga panahon po na `yon, ang pagsali ho sa mga rally, very present din po ako diyan. Honestly speaking po kasi, `pag estudyante ka, ang pagsali kasi sa rally, minsan dagdag points `yon sa klase. Totoo, totoo. Kasama `yon sa ano, requirement,” pahayag ni Pialago.

Si Pialago ay nagtapos ng kursong AB Communication sa Miriam College.

Naglabas ng pahayag ang Miriam College tungkol dito.

“In pursuing Truth in their academic work, MC students are also taught to apply what they learn by working for peace, social and economic justice, gender equality, and the preservation of the integrity of creation,” pahayag ng eskuwelahan.

“Miriam College students are not cookie-cutter academic products given the various opportunities offered to study the body politic,” saad pa sa pahayag ng Miriam College..

“And in being trained to respect opposite choices taken by others, MC students also learn to appreciate dissent as part of a healthy democracy while being reminded to act in loving charity, regardless of differences,” dagdag pa nito.

Saad pa ng pahayag, ang mga mag-aaral sa Miriam College ay hinahayaan umanong kumilos ayon sa kanilang konsensya at katotohanan. ((Mark Joven Delantar/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.