Abante Tonite Interactive

Pick-up biglang preno, 5 sasakyan nagkarambola

364

Sugatan ang isang 30-anyos na lalaki habang nasira ang 5 sasakyan nang magkarambola sa Cavite Expressway (CAVITEX) sakop ng Kawit, Cavite.

Ginagamot ngayon sa Binakayan Hospital si Abraham Ordiale Nacario, ng Lancaster Village, Brgy. Navarro General Trias City, Cavite.
Sa ulat ni Pat.

Troadio Balitaosan Jr., ng Kawit Municipal Police Station, alas-dos ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Cavite Toll Plaza (CAVITEX) sakop ng Kawit, Cavite. Binabagtas ng sasak-yang Chevrolet Colorado 1 (WD 3172) na minamaneho ni Justin Oliveros, 25, ang inner lane patu­ngong Cavite Tool Plaza nang biglang tumigil ang isang Pick-up ranger.

Tinangka ni Oliveros na pigilin ang break pero nasagi niya ang kasunod na Toyota Vios (NBO 9642) na minamaneho ni Mikel Ambahgan, 29.

Tinangka namang umiwas ng driver ng Vios na si Mikel Ambagan subalit ang sasakyan naman niya ang binangga ng Toyota Avanza (ABS 1441) na minamaneho ni Wenceslao Esteban Moreno Jr., 40.

Nabangga naman ng Hyundai Accent (NCM 7427) na minamaneho ni Jerryco Chavez, 42, ang sasakyan ni Oliveros habang nabangga ang sasakyan ni Mikel Daradar, 36, na isang Suzuki Ertiga.

Dahil sa pangyayari, nasugatan si Nacario na sakay sa Ertiga. (Gene Adsuara)