Abante Tonite Interactive

Pick-up lumusot, nag-dive sa 2nd floor ng hotel parking

455

Wasak ang harapang bahagi ng 4×4 Ford Ranger na bumulusok pababa sa parking entrance ng isang hotel na nagresulta sa pagkasugat ng driver nito, sa Barangay San Antonio, Ortigas sa Pasig City kahapon.

Nakilala ang biktima na si Rocky Pagaragan Yabut, 30-anyos, driver na nagtamo ng injury sa kaliwang braso at binti at agad na isinugod na Rizal Medical Center.

Nabatid na pag-aari ni Rolan M. Roque ang 4×4 ford ranger pick-up na may plakang NBI 8838 at residente ng unit 3102 Malayan Plaza Hotel ADB Ave Ortigas.

Ayon sa report, nasa parking area sa ikalawang palapag ang pick-up na minamaneho ng biktima bandang alas-11:45 ng tanghali nang aksidenteng itong mawalan ng kontrol sa manibela bago tuluyang mahulog mula sa gusali.
Wala namang nadamay sa aksidente. (Vick Aquino)