Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pick up na may 9 sakay, bumulusok sa bangin

0 68

MALUBHANG nasugatan ang siyam na mga barangay worker matapos bumulusok ang sinasakyan nilang Strada pick-up van sa bangin sakop ng Sitio Ileb, Barangay Nambaran, Tabuk City, Kalinga noong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ng Tabuk City Police Station (TCPS) ang mga biktima na sina Jayvee David Mangada, 22, driver; Santos Macasaddog, senior citizen; Analiza Macasaddog, 30; Theresita Casibang, Lupong Tagapamayapa; Mayla Tagacay; Monaliza Ramilloza, 30; Xymon Macasaddog; Rica May Macasaddog, 23, at Biado Pablito, pawang taga-Barangay San Francisco, Rizal, Kalinga.

Sa ulat ng TCPS, ayon sa Provincial Disaster Rick Reduction Management Office-Kalinga (PDRRMO-Kalinga), pauwi ang mga biktima galing umano sa isang gathering sa Iloda Resort at habang bumabaybay sa Barangay Ileb, aksidenteng may nahulog na malaking tipak na bato at tinamaan ang sasakyan ng mga biktima.

Dito nawalan ng kontrol sa manibela si Mangada at nahulog ito ilang metrong lalim ng bangin.

Agad namang nagresponde ang mga rescue team ng Kalinga at mapalad na naisalba ang grupo na pawang nakaratay ngayon sa ospital. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.