Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pickup owner na sumalpok sa nurse lumutang

0 209

Nakipag-ugnayan na sa pulisya ang babaeng may-ari ng pickup na bumangga at tinakasan ang nurse na nagbibisikleta na kalaunan ay nasawi.

Natukoy ang pagkakakilanlan ng may-ari ng sasakyan sa pamamagitan ng conduction sticker na nakita sa CCTV. Tumanggi pa ang mga awtoridad na pangalan ang supek na umaming siya ang may-ari ng sasakyan pero iginiit na hindi siya ang nagmamaneho nito nang mangyari ang aksidente.

“Sinasabi nila, hindi sila ‘yung nagda-drive nung sasakyan. Pero ang ano don, inaamin nila sa kanila ang sasakyan. Initially, civil (ang liability). ‘Yung criminal ine-establish pa natin. Kung sila ang may-ari ng sasakyan, of course civilly liable sila,” ani PLt. Col. Carlo Magno Manuel public information office chief ng Manila Police.

Dalawang linggo na umanong wala sa kanya ang sasakyan dahil hiniram, gayunman hindi pinangalanan kung sino ito.

Ayon sa abogado ng suspek, walang intensyon ang may-ari ng sasakyan na taguan ang awtoridad. Sinisiguro nito na makikipag-ayos at nakahanda silang magbibigay ng tulong para sa pamilya ng biktima.

Matatandaang sakay ng bike ang nurse na si Renz Jayson Perez nang mabangga ng itim na pickup. Nadala pa siya sa ospital pero idineklarang dead on arrival. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.