Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pido, Lim petmalu sa Ultra 100M

0 61

Naghari at reyna sina Jonathan Pido at Aiko Lim sa 2021 Kadayawan Ultra 100 Miles na sinimulan at natapos paalis at pabalik sa Panabo City firing range via Monkayo, Davao De Oro nitong Linggo na sinalihan ng 20 ultra-marathoner.

Tinugaygay ni Pido ng Philippine National Police ang karerahan sa 22 oras, 40 minuto at siyam na segundo upang manaig sa pumangalawa’t pangatlong sina Jose Sanchez (22:06:06) at Ralph Zambra (25:21:07).

Pumoste naman si Lim ng Team Titans Davao/Team Lamion Runners ng 28:32:04 para ilagay sa 2-3 sina Cecilia Artieda (29:56:28) at Liza Sanchez (31:20:18). Unang tinapos ng mga kalahok ang virtual 50M bago ang kabuuan nitong Aug. 29.

Isinagawa ito ng Davao Ultra Runners Club Inc. at Panabo City. Namahala sa aspetong tektnikal ang BBGRunEvents Organizer ni Coach Roel Ano. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.