Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pikon na senglot minaso kainuman

0 201

Kritikal ang kalagayan ng isang mister matapos hatawin ng maso sa ulo at katawan ng kanyang kainuman nang magkaroon ng mainitang pagtataloo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa ospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si Ernesto Paracale, 40. Nahaharap naman sa kasong frustrated murder ang suspek na si Mario Manago, 50.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nag-iinuman umano ang dalawa kasama si Mark Joseph Abuan sa Leongson St., Brgy. San Roque nang magtalo ang biktima at suspek, inawat naman sila ni Abuan kaya umalis si Manago. Gayunman, bumalik ito at armado ng maso saka pinaghahampas sa ulo at katawan si Paracale na humandusay sa sahig.

Nahuli si Manago sa ginawang manhunt operation at nabawi sa kanya ang ginamit na maso. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.