Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pila sa ayuda mawawala na

0 88

Inaasahang malulutas na ang problema sa mahabang pila na madalas nararanasan ng mga kumukuha ng ayuda o benepisyo sa pamahalaan.

Ito´y dahil sa itinutulak ngayon na House Bill No. 7714 o ang Philippine Public Payment System Act ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace S. Barbers na layong idaan na sa online system ang pagbibigay ng pamahalaan ng ayuda, subsidiya at iba pang kahalintulad na financial transactions sa mga beneficiaries nito.

Ngayong nasa ‘new normal’ na umano ang lahat dulot ng Coronavirus pandemic, kailangan ng pamahalaan na ipatupad o idaan na ang mga transaksiyon sa pamamagitan ng digital o online system.

Tinukoy ng solon ang mga indigents at retirees mula sa public and private sector na nangangailangan ng tulong sa pamahalaan ay hindi na umano kailangan pumila pa ng mahaba ng ilang oras para lamang makuha ang ayuda o tulong.

Sa pamamagitan ng panukala, makaiwas na ang mga mamamayan sa mga siksikan at mahabang pila sa tuwing may kukunin o matatanggap na ayuda o subsidiya mula sa pamahalaan. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.