Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pilar sa Abra nasa red category

0 54

Inilagay ng Commission on Election (Comelec) sa red category o area of concern ang bayan ng Pilar sa Abra.

Nabatid na itinaas ng klasipikasyon ng Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns (CBFSC) ng Comelec ang nasabing lugar kasunod nang naganap na “shootout” sa pagitan ng mga pulis at Vice Mayor Jaja Josefina Somera-Disono.

Isa sa staff ni Disono ang napatay habang 2 pulis ang nasugatan nang umano’y takasan ang checkpoint at pagbabarilin ang nagmamando nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Pending verification of the reports received, the CBFSC has upgraded the categorization of Pilar from orange to red,” ayon kay acting committee chairman Aimee Ferolino.

Hindi pa naman nakakapagdesisyon ang CBFSC kung ilalagay ang bayan sa kontrol ng Comelec. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.