Abante Tonite Interactive

Piliin ang mga kawangis ng puso ng Mabuting Pastol!

0 187

Fr. Richard Bolaton, STL

Napapanahon ang mensahe ng Ebanghelyo (Jn 10:27-30) ngayong araw sa gaganapin pambansang halalan bukas. Malinaw ang pahayag ng lektura para sa ‘Linggo ng Ma-buting Pastol’ na “lahat tayo’y bayan ng Diyos, kabilang sa kanyang kawan.” Buo ang ating pananalig na hindi tayo pababayaan ni Hesus, ang ating Tagapangalaga na nangakong tayo’y Kanyang itataguyod, ipagtatanggol at bibigyan ng buhay.

Ngayong ‘Good Shepherd Sunday’ ginugunita natin ang ‘Pandaigdigang Linggo ng Panalangin para sa Bokasyon.’ Paanyaya ng Simbahan sa tanan na mag-alay ng pa-nalangin para sa mga nagnanais magsilbi bilang mga ‘pastol’ upang sila’y maging kawangis sa puso at pamumuno ni Hesus, ang Mabuting Pastol. Bukod sa mga politiko hinihikayat ta-yong ipagdasal ngayong araw ang mga may nais maging pari at relihiyoso.

Seryoso ang panawagan ng Iglesya na maging matalino sa pagpili ng mga hahawak ng puwesto sa ating bansa. “Kapakanan at kinabukasan nating lahat lalo na ng ating anak ang nakasalalay!” paulit-ulit na giit ng Simbahan tuwing eleksiyon. Wala man itong karapatan ang mag-endorso ng sinumang kandidato katungkulan ng Iglesya Katolika na gabayan ang konsiyensiya ng mga tao sa karapatdapat na iboto.

Nilinaw noong Biyernes ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi totoong iniutos ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle na Otso Diretso at dalawa pang senador ang dapat iboto ng mga Katoliko sa bansa. “Pure fake news” ani CBCP President Arch. Romulo Valles ang kumalat na balita sapagkat nanatili aniya ang respeto ng Simbahan sa pagpili ayon sa konsiyensiya ng mga mananampalataya.

Dagdag ni Father Roy Bellen, communications director ng Archdiocese of Manila, “Tagle did not endorse candidates in this year’s election. What he is endorsing is the ‘process of discernment’ that each person can do as they prepare and choose candidates.” Nabanggit lang daw ng Cardinal bilang halimbawa ang People’s Choice Movement na sumuporta sa ilang kandito based on Christian Values katulad ng ginawa ng El Shaddai at Laiko movement.

Para sa gaganaping gawain bukas, muling pahayag at giit ng CBCP at ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na samasama tayong manalangin, gumalaw at makiisa para sa kaayu- san ng halalan. Malaki ang expectation ng Simbahan sa mga kabataan na bumubuo sa ‘mayorya’ o higit sa kabahati ng bilang ng mga botante. Hamon ng Iglesya sa lahat ng Filipino vo-ters na siguraduhin ang integridad ng eleksiyon upang ito’y maging kapani-paniwala at tapat sa katotohanan.

Huling hirit ng PPCRV sa mga botante ngayong araw bago mag-eleksiyon na bomoto ayon sa konsiyensiya, kilati-sing mabuti ang mga kandidato, respetuhin ang desisyon ng iba, huwag ibagbili ang boto at isaalang-alang higit sa lahat ang kapaka-nan ng bansa. Ngayong Mayo 13, 2019 Pista ng Mahal na Birhen ng Fatima, dalangin natin ang pagkakaisa ng mga Pilipino upang mairaos ang isang mapayapa at kapani-paniwalang eleksiyon kaakibat ng patnubay at bendisyon ng Poong Maykapal.

Pakinggan nawa natin ang pahayag ni HesuKristo sa Ebanghelyo ngayong Linggo na ang mga mabu-ting pastol ay ‘yung lang may malasakit sa kawan at handang isakripisyo ang kanilang buhay alang-alang sa mga tupa.

Dalawang bagay samakatuwid- dalawang napakahalagang konsiderasyon ang binibigyang-diin para sa ating pagboto bukas: piliin lang ang mga kandidato na may malasakit at handang magsakripisyo hindi lang ang mga popular, lalo na ‘yung mga may rekord sa pandaraya at korupsiyon!
Narito sa wakas ang paalala ni Sto. Tomas Villanueva: “Ang isang mabuting pastol ay totoong halimbawa, may kredibilidad, ginagawa ang sinasabi at may katangian bilang guro. Dapat may tunay na malasakit ang mga hinirang ng Diyos bilang bantay at tanod ng kawan puspos ng dunong at kabanalan.” At babala ni San Agustin, “sapagkat ang masamang pastol ay magdadala ng kapahamakan kahit sa mga mabubuting tupa!”

Sa ilalim ng patnubay at pangangalaga ni HesusKristo na ating Pastol, tiwala tayong magpapadala at magpapadala ang Panginoong Diyos ng mga pinuno na katuwang Niya sa pagtataguyod ng higit na kabutihan para sa lahat. Muling kumakatok ang Simbahan sa ating mga puso na ipamalas ang ating kooperasyon sa kalooban ng Mabu-ting Pastol na ibangon ang bansang Pilipinas at dalhin tayo sa totoong pagbabago!