Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piling salita sa mga WNBA player

0 238

Sa NBA, pili lang ang phrases na puwedeng ilagay ng players sa likod ng kani-kanilang jerseys bilang suporta sa social injustice.

Kasama rito ang ‘Black Lives Matter’ pero wala sa listahan ang pangalan ng mga namatay dahil sa police brutality o racial injustice.

Kaya maliban kung magbago ang isip ng NBA bago ang restart sa July 30, hindi puwede sa Orlando ang mga ‘George Floyd’ o ‘Treyvon Martin’.

Iba ang kaso sa WNBA.

Pinayagan ng women’s league ang players na gamitin ang mga pangalan ng biktima ng racial injustice at police brutality sa special uniforms.

Bahagi ito ng mas malaking kampanya ng liga bilang pagkilala sa “forgotten victims of police brutality and racial violence.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.