Abante Tonite Interactive

Pilipinas 6th place sa 10th ASEAN School Games

By
1,209

Tinapos ng Team Philippines ang kampanya sa baba ng kurtina kagabi sa 10th ASEAN School Games 2018 na may na 36 mga medalya upang lumagak na ika-6 sa 10 bansang kalahok sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sumakote ang mga Pilipino na sumali sa 10 sa 11 events ng 9 gold, mababa ng lima sa naiuwi noong isang taon sa Singapore. May 7 silver at 20 bronze ang delegasyon ng bansa sa isang linggong palaro na nilahukan ng 1,500 secondary students.

Ang host country ang nagkampeon sa pangkalahatan sa 13 gold, 34 silver, at 32 bronze medals, kasunod ang Indonesia na may 31-36-30, Thailand (19-21-31), Singapore (13-16-22), at Vietnam (13-8-6).

Abante Hiring – IT dep

Best performer ang PHL athletics­ team sa 6-4-6 medals kung saan si runner Jessel Lumapas, isang Grade 11 standout ng Nazareth School sa National University, ang most bemedalled athlete para sa mga Pinoy sa 2 gold medal.

Tagumpay ang 17-year-old, Calabarzon’s sprint queen, sa 200m at 400m dash girls events. Salto ang Cavite native sa 3rd gold nang maka-bronze ang tinarangkahan niyang 4x400m event.

Pinapurihan ni Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Charles Raymond Maxey ang Filipino athletes.

“I am very proud of them. They represented their country well. But, there will always be winners as well as losers in any sport,” Maxey aniya.

May insentibo ang mga nanalo­ ng gold na P6,000, P4,000 sa ­silver at P3,000 sa bronze.