Abante Tonite Interactive

Pilipinas basketball No. 1 sa SEA

412

Marahil gaya ko, marami sa inyo ang nakapanood ng mga laro ng basketball sa natapos Miyerkoles ng gabi na 30th Southeast Asian Games Philippines 2019.

Kahit ‘di siya kasing prestihiyoso ng Summer Olympic Games o Asian Games, nasa 11 bansa sa Timog-Silangan Asya, kabilang ang Pilipinas ang kasali rito, at nangu­a tayo sa 5×5 at 3×3 ng basketball men’s at women’s.

Halos lahat ng SEA Games na ginanap sa loob ng apat na dekada, lagi tayo ang nagkakampeon sa 5×5 ng sport, maliban sa dalawang disgrasya lang na nangyari kaya nagkasya tayo sa silver medal.

Sa women’s 5×5 finals, tinambakan ng mga Pilipina ang four-time champion Thailand, 91-71, para makamit ang unang medalyang ginto sa biennial sportsfest mula pa noong 1977.

Maayos ang pagbalasa ni national women’s coach Patrick Henry Aquino, na isang maga­ling na Philippine Basketball League player noon sa Stag Beer, noong ako ang PBL commissioner sa dekada 90.

Lumaban nang husto ang ating mga manlala­ro, lalo na sina Afril Bernardino, Janine Fontejos, at Jack Danielle Animam, na gumawa ng 21 points, at iba pa nilang mga kasama.

Sa men’s 5×5, ito na siguro ang pinakama­lakas nating lineup na binuo ng aking kaibigang si coach Tim Cone, isang all-pro team na mula sa Philippine Basketball Association.

Kung merong tinatawag na kumpletos rekados, ito na siguro. Sabi nga ni Indonesia coach Rajko Toroman ng Serbia, pang World Cup ang PH 5. Bakit kamo? Nang kalaban natin ang Indonesians, maganda ang nilaro nito sa first half.

Pero nang bakbakan natin ang Indonesia sa second half, sunod-sunod na mga puntos natin sa mga 3-point shot nina Matthew Wright, Marcio Lassitter, at c napatunganga na ang Indons.

Nariyan pa sina Vic Manuel, Christian Standhardinger, LA Teneorio, Stanley Pringle, Troy Rosario at June Mar Fajardo, makinis ang takbo ng laro na natapos sa 99-72.

Sa gold game kontra Thailand, ‘di rin muna nagpaandar nang todo ang Pinoy quintet sa unang kalahati ng labanan pero sa sumunod ay umarya na tungo sa 115-81 desisyon, para sa ika-13 sunod na ginto at ika-18 sa pangkalahatan sa loob ng 42 taon.

Congratulations sa ating mga manlalaro.