Abante Tonite Interactive

Pilipinas dadaan sa Olympic Qualifying

0 443

Nawala na sa Gilas Pilipinas ang tsansang agad makakuha ng slot sa 2020 Tokyo Olympics bilang Asian best team sa FIBA World Cup.

Pagkatapos ng apat na laro sa China, bokya pa rin sa panalo ang Pilipinas na huling yumukod sa Tunisia 86-67 Biyernes ng gabi sa Wukesong Sports Arena sa Beijing.

Nalusaw ang natitirang pag-asa ng Pilipinas sa Tokyo via World Cup pagkatapos ng talo na sinabayan ng 77-73 panalo ng China sa Korea.
May dalawang panalo na ang host China sa apat na laro.

Nasa kontensiyon pa rin sa outright Olympics berth ang Iran, 1-3 na kasunod ng 71-62 win sa Angola sa Group N classificication.

Kapag tinalo ng China ang Nigeria sa huling laro sa classification, kanila ang ticket sa Tokyo.

Para makapasok agad sa Olympics ang Iran, kailangan nilang talunin ang Pilipinas ngayong 8 pm at umasang matalo ang China sa Nigeria.

Ang ruta ng Gilas papuntang Tokyo ay via Olympic Qualifying Tournament sa susunod na taon.

Magsasama-sama sa OQT ang next 16 best teams sa FIBA World Cup at 8 wildcard teams para pagrambulan ang apat na tiket sa Olympics. (VE)