Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Pinas pinatalsik sa Chess Olympiad

0 67

Diniskuwalipika ng International Chess Federation ang Team Pilipinas sa 2021 Online Chess Olympiad Top Division stage makaraang pumangalawa sa Division 2 Pool A nine-round prelims sa 16.0 match points sa 8-1 win-loss record noong Sabado ng gabi.

Bunsod ito sa isang fair play policy violation ng isa sa player ng National Chess Federation of the Philippines, nangangahulugang ban na ang ‘Pinas sa Top Division na sisiklab bukas para paglabanan naman ang eight-team quarterfinalists.

Ipinahayag Lunes ni NCFP CEO Grandmaster Jayson Gonzales at siya ring puno ng delegasyon kasama si GM Eugenio Torre bilang coach, na hindi makatarungang parusahan ang buong PH team para sa ginawang kasalanan ng isang player na hindi niya pinangalanan.

Hinirit pa ng opisyal na iaapela nila sa world chess governing body ang sanction sa buong team.

Isa sa lugmok na kasapi ng koponan si International Master Jan Emmanuel Garcia na pinarating ang sama ng loob via Facebook.

“Iyakan po ang team Philippines!” sey ni Garcia, ang top scorer sa nine games sa 6.0 markers. “Wala po tayong aabangan sa Sept 8-10. Unfortunately, na disqualified kami kasi may teammate na nahuling gumawa po ng kasamaan. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.