Abante Tonite Interactive

Pilipinas tunay na lumaya kay Duterte – Speaker Alvarez

By
2,134

Inihayag ni Speaker Pantaleon Alvarez kahapon na sa ilalim ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte tunay na na­ging malaya ang Pilipinas bilang isang bansa.

Malaking bagay ­aniya rito ang pagbabago ng diskarte sa foreign po­licy ng administrasyong Duterte.

“Our politics was controlled by Americans, our economy was controlled by the Americans. Were we truly independent? No. For a nation to be truly independent, it must not be under the control of any other country,” pahayag ni Alvarez kasabay ng selebrasyon ng ika-120 Araw ng Kalayaan sa Tagum City, Davao del Norte.

Binanggit nito na mula Hulyo 4, 1946 nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang kalayaan sa mga Pinoy hanggang sa termino ng nakalipas na administrasyon ay kontrolado pa rin ng Amerika ang Pilipinas.

“Previously America was our only friend. When Pres. Duterte came into power, he became friends with everyone. He befriended China, he befriended Russia, he befriended Korea, he befriended other nations in the world,” pagpupunto ni Alvarez.

Naniniwala si Alvarez na karamihan sa pumupuna at kumokontra sa fo­reign policy ni Pangulong Duterte ay nanggagaling sa ideya ng mga Amerikano at kanilang mga kaalyado.

Pero tinitiyak ni Alvarez na ang kapakanan pa rin ng samba­yanang ­Pinoy ang inspirasyon sa pagbabago ng foreign policy ng gobyernong Duterte.

“Our President’s only wish is for the peace and development of our country,” ani Alvarez.