Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pilot test ng balik-eskuwela kalahating araw lang pasok

0 198

Magiging kalahating araw lang pasok ng mga estudyante sa panukalang pilot testing ng face-to-face classes, ayon kay Department of Education (DepEd) spokesperson at Undersecretary Nepomuceno Malaluan.

Ito’y para sa bahay na aniya kumain ng kanilang tanghalian ang mga estudyanteng lalahok sa pilot test kaysa gawin ito sa eskuwelahan na may tsansang magkaroon ng banta ng hawaan sa COVID-19.

SM food to go Banner Ad

Sa presentasyon ng DepEd, 50 eskuwelahan lang sa bawat rehiyon ang papayagang sumali sa pilot run.

Hanggang 20 estudyante lang ang papayagan kada klase depende sa laki ng silid-aralan. Sa maliit na silid aralan namay ay inirerekomenda ang 16 na estudyante para mapatupad ang physical distancing. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.