Abante Tonite Interactive

Piloto sa bumagsak na eroplano binisita ni Duterte

0 252

Personal na nakiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ng dalawang piloto ng bumagsak na eroplano sa Pansol, Laguna noong Setyembre. 1, 2019.

Sinabi ni Senator Bong Go na pagkatapos ng mga aktibidad ng Pangulo sa Malacañang Huwebes nang gabi ay dumiretso sila sa burol nina Capt. Jesus Hernandez at First Officer Lino Cruz III sa San Loreto Chapel sa Villamor Airbase mortuary at sa Loyola Memorial Chapel sa Parañaque City.

Personal na ipinaabot ng Pangulo ang pakikiramay sa pamilya ng dalawang piloto at nag-abot ng tulong pinansiyal na tig-dalawampung libong piso.

Si Capt. Hernandez ang pilot-in Command habang si Cruz naman ang co-pilot ng Beechcraft BE350 King Air Flight RP-C2296 na bumagsak sa isang beach resort sa Brgy. Pansol, Laguna.

Sa naganap na insidente ay nasawi rin ang dalawang doktor, tatlong nurse, isang pasyente at asawa nito at isang emergency medical technician.

Galing sa Dipolog City ang eroplano at magdadala sana ng pasyente sa Manila nang maganap ang insidente. (Aileen Taliping)