Abante Tonite Interactive

Piloto sinisisi sa Kobe chopper crash

407

Sinisisi ngayon si Ara Zobayan, ang piloto ng bumagsak na helicopter na sinasakyan ni NBA legend Kobe Bryant, dahil sa lumabag ito sa mga weather-related flight rule.

Ayon sa naunang report, ang nasabing piloto ni ‘Black Mamba’ ang bunton ngayon ng sisi sa pagbagsak ng chopper dahil sa hindi umano nito pinag-aralan nang husto ang lagay ng panahon bago bumiyahe sa ere.

Dahil sa insidente’y si Zobayan ang luma­labas ngayong responsable sa pagkamatay ni Bryant, ng anak na si Gigi at pitong iba pa, kabilang na ang pilotong si Zobayan.

Bago ang nasabing chopper crash, lumitaw na noong taong 2015 ay nadiskubreng nagkaroon na rin ng kasong katulad na paglabag sa pagpapalipad ng chopper si Zobayan.

Papunta ang mag-amang Bryant at mga kasakay sa Mamba Sports Academy sa Thousand Oaks, California para sa isang basketball game nang bumagsak ang sinasakyan nila sa Calabasas, California noong Enero 26. (Aivan Episcope)