Abante Tonite Interactive

Pilyong tanong kay Sarah binaril

2,117

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioAng diva that you love, sa Facebook unang nalaman na ang stage mother of the highest order na si Mommy Divine, ang interview daw ni Sarah Geronimo para sa ‘Gandang Gabi Vice’, stop in the name of love ang pag-ere nito.

Ano nga ba ang dahilan at pinatigil ito? Gaano ba ka-forceful at powerful ang pagdadabog ng bangs ni Divine at kinaya niya ang episode kung saan ang ‘Ms. Granny’ promotions ni Geronimo pa naman ang kaganapan, hindi puwedeng ipalabas?

Ano ba ang kulitan at laugh trip na nangyari at tila hindi ito pumasa sa mapanuring stage nanay?

Si Divine ba ang magbabayad sa cost of production pati na rin sa advertising load para lang protektahan ang busilak na imahe ni Sarah? O ang order ni Mrs. Geronimo, dapat Viva ang magbayad dahil nga hindi niya kinatuwa ang mga itinanong kay Sarah?

May makakapagpatotoo ba kung tinanong nga ba ni Jose Marie kung nakatulog na si Sarah na may katabing kasintahan? May tanong nga ba kung ang dalaga ay nakipag-MOMOL na? At may tanong nga ba talaga kung minsan sa kanyang buhay ay she watched a porn movie na?

Kung totoo ngang affirmative ang sagot sa mga tanong, may masama ba sa pagiging tapat ni Sa­rah? For crying out loud, the woman is already 30 years old at sa edad niyang iyan, she does not even need to consult her parentals kung gusto na niya mag-asawa, magtanan o magpakasal noh. Sarah answering adult questions na hindi inere is an opportunity wasted. Sure naman ako na hindi lang ‘yung mga naughty question ang tinalakay sa episode.

Balita ko, napag-usapan rin ang tungkol sa depression at burn out sa karera. Pati na rin ang kanyang nasa at kahandaan sa pag-aasawa, pinag-usapan din.

Isang panayam gone to waste, na maraming aral na mapupulot ang mga manonood, kaso mas pinili ang maging ‘safe’ at sundin ang ‘concern’ at ‘mother knows best’ na drama ni Divine.

Sa pangyayaring ito, alam na alam at mas lalo pang tukoy na tukoy kung bakit si Sarah, laging may emotional meltdown. Ang dami na niyang tiniis, ki­nimkim sa loob at sinakri­pisyo para sa pamilya niya.

Sana nga, Matteo Guidicelli mans up at mag-propose na kay Sarah Geronimo. He better saves his inamorata before it is too freaking late.***

 

Bulag na finalist ng ‘TNT’ nganga sa P100K

Speaking of mang-aawit with problems, durog na durog ang puso ni stage play director pati na rin ang sangrekwang netizen, sa kahambal-hambal na kalagayan ni Carl Malone Montecido.

The who si Carl Malone? Siya lang naman ang biggest sob story sa Tawag ng Tanghalan (TNT) sa ‘It’s Showtime’ season 1 kasi nga, ang dating grand finalist ay bulag.

Sa FB post ni concerned citizen Paul, makikita sa larawan na si Carl at ang nanay niya nakatira sa isang barong-barong.

Nasa ikatlong season na ang pangmalakasang singing contest pero hindi pa rin hindi pa nakokolekta umano ni Carl ang consolation prize niyang P100,000 at itinuturong dahilan wala itong TIN at ibang dokumentong kailangan.

Imposible namang hindi aware ang pamunuan ng ‘It’s Showtime’ na hindi kompleto si Carl sa mga needed document dahil nga may sight impairment ito, bakit wala man lang tumulong sa kanya?

Sa lalong madaling panahon, dapat maibigay na ang kaukulang premyo sa TNT contestant na nangngailangan. Dapat nga, first priority­ ang bulag na mang-aawit.

Ang diva that you love, malawak ang pang-unawa sa katotohanang may mga proseso sa accounting o finance na dapat sundin.

Kung may proseso, ano ba namang matapos ang contest, ginabayan at tinutukan na si Carl at kung sino man ang guardian niya para mas mabilis niyang gawin ang kanyang mga kailangang isumite.

Sa katotohanang ito, hindi lang mabilis na tugon, kundi aksiyon ang dapat nilang gawin.

Ganito ba magmahal ang Kapamilya? Ang madlang pipol, iyan nga ba ang kanilang tanong?