Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pimentel sumagot sa ECQ violation: Tsismis lang

0 504

Naghain na rin ng kanyang pormal na kasagutan si Senador Aquilino `Koko’ Pimentel III hinggil sa reklamong isinampa laban sa kanya sa Department of Justice (DOJ) dahil sa umano’y paglabag sa protocol noong enhanced community quarantine (ECQ)

Nag-ugat ang reklamo sa insidente sa Makati Medical Center kung saan nilabag umano ng senador ang health at safety protocol ng ospital matapos samahan ang kanyang anak na manganganak sa cesarian section bagama’t nagpositibo umano sa COVID-19 si Pimentel.

Sa kanyang counter-affidavit na inihain sa pamamagitan ng e-mail noong Miyerkoles, sinabi ni Pimentel na “fatally defective” ang reklamo laban sa kanya.

“It is based principally on news reports. Considering (complainant) Atty. (Rico) Quicho’s lack of personal knowledge, I am being charged based on mere hearsay,” ayon kay Pimentel.

Tinutukoy ni Pimentel ang mga kopya ng online news reports na kalakip sa reklamo ni Quicho.

Pinag-aaralan pa ng DOJ ang reklamo ni Quicho laban kay Pimentel na paglabag diumano sa Republic Act 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act) at sa Department of Health (DOH) Memorandum Circular No. 2020-0090, Advisory No. 2 at DOH Circular No. 2020-0080 hinggil sa pinatutupad na quarantine protocol dahil sa COVID-19 pandemic. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.