Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pimentel: Ulo ni Pacquiao inaarbor sa PDP

0 138

Inihayag ni Senador Aquilino `Koko’ Pimentel III na may ilang indibidwal umano ang nagpadala sa kanya ng mensahe na humihiling na huwag suportahan si Senador Manny Pacquiao, isa sa mga posibleng tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 election.

“Hindi ko masabing [si Energy] Secretary [Alfonso] Cusi and his camp `yon pero may mga text tayo na natatanggap na ganoon which I immediately dismissed,” pahayag ni Pimentel sa isang forum sa Maynila.

“Wala naman akong personal interest dito,” dagdag pa ni Pimentel na executive vice chairman ng partido.

Nauna nang sinabi ni Pimentel na si Pacquiao ang inihahanda ng partido para sa national post sa 2022 nang italaga ito bilang acting president ng PDP-Laban noong Disyembre 2020, bagay na ikinaalarma ng grupo ni Cusi.

Suspetsa ni Pimentel, ito’y dahil may ibang presidential candidate ang grupo ni Cusi bagay na pinabulaanan ng kalihim. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.