Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinagkalat na buntis, nagreklamo sa NBI: Jay binaboy sina Julia, Marjorie

0 147

Nagsampa ng kasong paglabag sa cybercrime law ang aktres na si Julia Barretto laban sa dating broadcaster na si Jay Sonza sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Biyernes ng tanghali.

“Andami ko na ring pinagdaanan, ang dami ko na rin pinalampas lalo na sa social media, binastos na ang reputation ko, ang pangalan ko. I think, I just want to show people na hindi ko na pinapalampas `yong mga bagay na ganito,” sabi ni Julia matapos kasuhan si Sonza sa NBI Cybercrime Division.

Kasama ni Julia sa pagsasampa ng reklamo ang kanyang ina na si Marjorie Barretto.

“I am pursuing this case because the statements made by Mr. Sonza are untrue and irresponsible. The widespread reposting of the news based on his post caused distress to me and my family. I don’t want to take this matter lightly. Mr. Sonza, and all those who publish these reckless and baseless posts, must be held accountable for their actions so that they think twice before claiming things as fact,” sabi pa ni Julia sa panayam ng entertainment journalist na si MJ Felipe.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Walang pinanggalingan `yong sinasabi po ninyo. Ang pagkaka-confirm pa ninyo eh baboy `yong style. `Di niyo na nirespeto `yong pagkababae niya at saka bata. Nakakasira kayo ng pagtratrabaho ng bata,” pahayag naman ni Marjorie.

Dagdag pa ni Marjorie, “`Yong pagka-iresponsable mo lang Mr Sonza sobra eh, hindi ka man lang nagtanong sa mga malalapit sa buhay niya.”

Nag-ugat ang kaso sa social media post ni Sonza na nagsabing buntis umano si Julia at ang ama ay si Gerald Anderson na kanyang mga kapitbahay.

Gayunman, muling nag-post noong Miyerkoles si Sonza matapos itanggi ng mag-inang Barretto ang isyu ng pagbubuntis at binawi nito ang kanyang masayang pagbati kina Julia at Gerald. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.