Abante Tonite Interactive

Pinaglaruan ang kamatayan ni Jonghyun

154

tonite-annyeong-rose-garciaNagalit ang mga K-netizen, partikular na ang mga tagahanga ng namayapang leader ng SHINee na si Jonghyun. May kinalaman ito sa inilabas na satirical comic ng isang Spanish weekly maga­zine, ang El Jueves.

Sa naturang comic, pakiramdam ng mga K-pop fan ay pinagtatawanan ng naturang magazine ang pagkamatay ni Jonghyun last December 2017.

Si Jonghyun ay isa sa mga K-artist na namatay sa pamama­gitan ng suicide.

Ang Twitter user na si CintiaDero (@Jinksease) ang nagbukas sa kamalayan ng netizens sa inilabas na ito ng El Jueves magazine.

Ayon sa tweet, “El Jueves recently published a satirical comic strip about the K-pop industry. It touched upon sensitive topics of sexual abuse, exploitation, and depression in the K-pop scene. It also criticized the K-pop idols’ styles and performances, as well as their fandom.”

Sa lahat, ang labis na ikinagalit ng mga K-pop addict ay ang tungkol sa kung paano tila pinaglaruan ng magazine ang pagkamatay ng idol.

Ang naging paglalarawan daw kasi ay isang character na may pink hair na isang idol. Nagpakamatay ito sa edad na 27 pagkatapos na hindi nakayang makapag-cope up sa pressure ng industry.

Nakalagay sa bubble nito, “At 27! Just like my buddies Jimi Hendrix, Janis, Jim Morrison, Kurt…!”

Sina Jimi Hendrix, Janis, Jim Morrison, and Kurt (Cobain) ay mga ­artist din na namatay sa edad na 27.

Iba pang character sa comic ay mababasa ang bubble na, “Call security…! A nobody is trying to sneak into the ‘27 Club’.”

Ginamit din daw sa comic ang “pinypons” na naglalarawan sa K-pop stars. Ang Pinypons ay plastic toy dolls. Parang pinapa­labas na ang mga K-pop star ay plastic, mass-produced dolls.

Dahil sa nangyari, ang mga K-pop fan ay gumawa ng petition sa Change.org to shut down the magazine. Around 28,000 fans have left signatures as of this writing.