Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinagmulan ng gamit na rapid test kit natunton na

0 81

Natukoy na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pinanggalingan ng mga kumalat na rapid test kits sa may Trabajo Market kamakalawa sa M. dela Fuente St. sa Sampaloc, Maynila.

Nalaman na pinadalhan na ng show cause order ni Levy Facundo, chief ng Bureau of Permit Licensing Office ang CP Diagnostic Center sa Suite 404 Equitable Bank Building sa C. Palanca St. Quiapo, Maynila.

Nabatid na binigyan ng 3-araw ang may-ari ng CP Diagnostic center na sina Zerian Canonigo at Dr. Noval Santos para magpaliwanag.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang video ng mga rapid test kits na nalaglag sa kalsada mula sa isang garbage bag na dala ng isang pedicab pasado alas-11:00 ng gabi sa nabanggit na lugar. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.