Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinagpalang Semana Santa sa ating lahat!

0 256

Noong Linggo, opisyal na sinimulan ng mundong Kristiyano ang mga Mahal na Araw sa pagdiriwang ng ‘Palm Sunday’.

Ngayong Huwebes Santo muli tayong pumapasok sa paggunita ng pinakabuod ng ng pananampalatayang Kristiyano. Ang ‘Chrism Mass’ ng obispo sa araw na ito ang itinuturing na ‘climax’ ng Semana Santa.

Saad ng Simbahan, “Holy Thursday technically ends the Lenten Season.” Hudyat ito ng umpisa ng pinakabanal na mga araw ng taon sa kalendaryo ng Iglesya. Sa Misa sa takipsilim ngayong araw nagsisimula ang “Paschal Triduum” o pagdiriwang ng Pagpapakasakit, Kamatayan at Muling pagkabuhay ni HesuKristo.

Bagamat sarado ang mga Simbahan, tuloy ang pagdiriwang ng “Misa ng Huling Hapunan ng Panginoon” online sa pamumuno ng mga obispo ng lahat ng diyosesis sa buong bansa. Ngayong gabi gugunitain ang pagtatalaga ni Kristo sa Eukaristiya at paghahabilin sa Kanyang mga unang pari- ang mga Apostol.

Turo ng Simbahan, “today the Church reminds us of the gifts of grace that the Lord provides for us through the ministry off the priests. The minesterial priesthood is inseparably connected with the Eucharist!” Sa madaling salita, kung walang Misa, nawawalan ng kabuluhan ang pagka-pari ng mga ministro ng Simbahan- bagay na lubhang apektado sanhi ng kasalukuyang pandemya!

Dahil sa pagsasara ng mga Simbahan, totoong napakahirap manatili nang malapit Kay Hesus. Mabuti nalang at may teknolohiya na maräng magbuklod sa atin upang samahan si Kristo sa paggunita sa Kanyang pagpapakasakit. Sa mga Sakramento lamang ng Simbahan kasi tayo kumukuha ng lakas sa gitna ng paghihirap.

Paalala ng Simbahan, hindi dapat malugmok sa kalungakutan at kawalan ng pag-asa ngayong pandemya: “for we may miss the deeper truth of what is happening during these days — there is cause for great joy here! Jesus is conquering sin and death!” Dahil sa tagumpay ni HesusKristo sa Krus may garantiya tayo na hindi mauuwi ang lahat ng ating pinagdaraang sarkripisyo sa wala.

Sa pamamagitan ng mga ‘online’ na selebrasyon ng Simbahan ngayong mga Mahal na Araw binibigyan ang tahan ng pakakataon para sa pakikilahok sa pagpapakasakit at tagumpay ng Panginoon. Ang binaya ng Semana Santa Ayon sa Iglesya ay nasa pakikiisa natin kay Hesus sa patuloy Niyang pagliligtas sa mundo. Garantiya ng Simbahan sa lahat, “Jesus is making his victory available to us through the continued celebration of the Sacraments, although virtually!”

Ang mga nalalabing tatlong araw ng Semana Santa ay portuna giit ng Simbahan upang ilubog ang sarili sa malalim na kahulugan ng pagpapakasakit ni HesuKristo nang di alintana ang sariling hirap at lungkot na bagkus inuugnay ang mga ito sa paghihirap ng Panginoon. Paalala ng Simbahan, “we walk through this difficult time with Jesus, by suffering with him we bring something far greater than what we are giving up. Let us therefore surrender everything to him as He surrendered everything to his Father.”

Isang pinagpala at makabuluhang Semana Santa po sa inyong lahat!

Leave A Reply

Your email address will not be published.