Abante Tonite Interactive

Pinagsabihan ng Anghel dela Guardia

609

Mga ka-Misteryo, napagsabihan na ba kayo ng inyong Anghel dela Guardia?

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Abala sa kanyang paglalaba si Thelma ng Marikina namg bigla siyang may marinig na boses. Noong una akala niya imahinasyon lang ng kanyang isipan ang narinig na boses yun pala ay mula sa isang nilalang na lagi niya kasama mula pagkabata. Ito ang inusisa ng #Misteryo kay Thelma.

Misteryo: “Paano mo nasabi na siya nga ang Anghel dela Guardia mo? Ito ba ang unang pagkakataon na narinig mo siya? Ano ang sabi niya sayo?”
Thelma: “Alam kong siya ang Anghel na bantay ko kasi nakita ko na siya sa panaginip

at narinig ko na ang boses niya. Hindi ako maaaring magkamali na siya nga yun.”

Misteryo: “Ano ang sinabi sayo ng boses ng Anghel? Ano ang tono ng boses niya? Matigas ba ang pananalita o nakikiusap sayo.”

Thelma: “Malumanay siya magsalita yun ang narinig ko sa pananalita niya at ganun siya magsalita nang magpakita siya sa aking panaginip. May importante siyang sinabi na kailangan kong gawin para daw sa kaligtasan ko at buong pamilya.”

Misteryo: “May kinalaman ba yan sa nangyayari ngayon yung pagkalat ng Coronavirus 2019? Nagsabi ba siya kung ano dapat gawin ng tao? Nababahala din ba sila sa nangyayari ngayon?”

Thelma: “Oo may kinalaman nga sa nangyayari ngayon na kailangan higpitan ang sinuman na huwag lumabas ng bahay. Nagbiro nga siya na baka maaga ako magbabay sa buhay na ito ay tapos na ang misyon niya sa akin para bantayan.”

Misteryo: “Ano ang pakiramdam mo na kausap mo guardian angel mo? Noong una mo ba siyang nakita sa dream mo ay nagkausap na ba kayo? Ano ang sinabi niyang kailangan gawin.”

Thelma: “Una sinabi niyang sumunod sa mga advice ng gobyerno. Particular niyang sinabi na kailangang magdasal para sa kagalingan ng tao. Pangatlo, Tumulong anuman ang kaya sa kapwa. Magaan ang pakiramdam ko at nawawala ang doubts at fear o takot sa nangyayari. Kaya alam ko siya ang guardian angel ko.

Patunay Ito na totoo ang mga anghel Andyan lang sila sa paligid na handang makinig at matuto. Magpasalamat tayo sa ating mga anghel dela guardia.”
Para sa inyong mga kuwentong himala at kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@Gmail.com

Tonite – Wendys Inhouse Ad