Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinagsawaan na: ‘Ang Probinsyano’ 2 buwan na lang

0 59

NI: CRISTY S. FERMIN

Dalawang buwan na lang daw ang buhay ng seryeng Ang Probinsiyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ngayon na raw ang pinakahuling lock-in taping ng palabas.

Napakatagal ng itinakbo ng serye, nakuha nito ang pinakamataas na rating na pinapangarap ng lahat ng artista, pero dumarating talaga ang panahon ng pagkaumay ng manonood.

Parang ulam ang tema ng palabas na palaging ‘yon ang ihinahain sa publiko, hindi sinasalitan ng iba, kaya pinagsawaan na rin nang magtagal.

Sa kasaysayan ng telebisyon ay mapapasama sa listahan ang Ang Probinsiyano. Niyakap ito ng manonood. Hinihintay ng ating mga kababayan ang pagdating ng gabi para matutukan ang pakikipagbalan ni Cardo Dalisay sa masasamang elemento.

Idagdag din natin na maraming natulungan si Coco Martin, binigyan niya ng pagkakataong kumita ang mga artistang nakagarahe na ang talento, nagkaroon sila ng kabuhayan.

Pero mula nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN ay kumalog ang sitwasyon ng serye. Sa ibang istasyon na ‘yon napanood, hanggang sa kargahin na rin ng TV5, nagkapaninibago ang paglilipat ng bahay ng serye para sa kanyang mga tagasuporta.

Panahon na rin para ipahinga ang isang palabas na numinipis na ang daloy ng kuwento. Huwag na nilang hintayin pang wala nang mailabas ang creative juices ng programa. Habang may katas pa ay kailangan nang ipagpahinga.

Walang dapat ipag-aalala si Coco Martin. Siguradong meron nang nakahandang proyekto ang ABS-CBN para sa kanya, itinuturing siyang gintong artista ng network, hindi siya maaaring magpahinga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.