Abante Tonite Interactive

Pinagtaksilan ng girlfriend

410

Napanaginipan ko ang girlfriend ko. May kasama siyang ibang lalaki. At hindi lamang basta magkasama kundi magka-holding hands pa sila. Hindi raw agad ako napansin ng GF ko dahil nakapokus siya sa lala­king kasama niya. Kaya naman nang mapatingin sa akin ang girlfriend ko ay kitang-kita ko na nabigla siya at na-guilty nang makita niya ako. Hanggang sa pag­gising ko, ramdam ko ang galit sa GF ko.

Ang iyong panagi­nip na niloloko ka ng girlfriend mo ay indikasyon na nakakaramdam ka ng insecurities sa aktuwal na buhay. Sa mga ganitong pana­ginip, kadalasang hanggang sa paggising ay ­dala-dala ng nanaginip ang pagdu­duda sa kanyang karelasyon.

Ang ganitong pana­ginip ay maikokonek mo sa pakiramdam na hindi ka pinapahalagahan sa iyong pakikipagrelasyon. Maaaring hindi naman aktuwal na ginagawa ito sa iyo ng mahal mo kundi may ganito ka lamang feeling. Kung sa aktuwal na buhay ay hindi ka komportable sa sa­rili mo at pakiramdam mo ay hindi ka attractive o hindi ka magaling kaya naman pumapasok ang iba’t ibang insecurities. Posible rin na dahil sa ganitong pakiramdam, sa iyong subconscious ay naroon lagi ang takot na ipagpapalit ka ng iyong girlfriend. Dahil sa ma­laking takot na ito, napa­naginipan mo ang kinatatakutan mong senaryo.

Pag-aralan mong mabuti ang iyong relasyon. May tiwala ka ba sa iyong mahal? Kaila­ngang maging totoo ka sa magiging konklusyon mo. Kung wala kang tiwala sa iyong girlfriend, hindi nga kataka-takang managinip ka na niloloko ka niya.

Related Posts

Pag-aralan din kung may basehan ba ang iyong nararamdamang takot at pagdududa. Kung wala namang basehan at kung mahal mo ang iyong girlfriend, dapat labanan ang ganitong pakiramdam. Nagiging unfair ka sa girlfriend mo kung hindi mo aalisin ang pagdududang ito. Mismong ang iyong subconscious na ang nagpaalala.

Pakaisipin lamang na wala sa girlfriend mo ang problema. Ito ay nasa iyo at sa iyong labis na insecurities. Kung patuloy mong tatakutin ang sa­rili mo na lolokohin ka ng girlfriend mo, hindi ka magiging masaya sa relasyon.

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispirit­wal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.