Abante Tonite Interactive

Pinagtanggol ang nanay, binata sinaksak ng stepdad

508

Dahil sa pagtatanggol sa ina, nalagay sa balag ng alanganin ang buhay ng isang binata nang saksakin ng kanyang amain sa Malabon City, Linggo ng gabi.

Isinugod sa Tondo Medical Center si Gilbert Arizala, 36, binata, nakatira sa #143 Javier St., Brgy. Baritan matapos magtamo ng malalim na saksak sa kanang torso.

Agad namang naaresto at nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek na si Ernesto Ronquillo, 60, kasama sa bahay ng biktima.

Sa salaysay ng saksi na si Robert, kamag-anak ng nasaksak, 34, kay PSSg. Merdelio Osting ng Station Investigation Unit, alas-6:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Javier St., Brgy. Baritan, Malabon City.

Naabutan ni Gilbert ang amain na inaaway ang kanyang ina kaya nilapitan niya ito at namagitan.

“Nagalit daw itong suspek sa victim dahil sapag-awat nito kaya siya (Gilbert) ang napagbuntunan at sinaksak,” ani PSSg. Onting.

Agad dinala sa pagamutan si Gilbert habang dinakip naman ng tauhan ng Police Community Precinct ang suspek. (Orlan Linde)

Tonite – Wendys Inhouse Ad