Abante Tonite Interactive

Pinagtawanan ang ari (2)

534

Dear Dra. ­Holmes: (shortened Feb. 16 ­letter)

Four years ago I had a traumatic experience. My friends took me to a whorehouse, chose a woman for me, and she lauged at the size of my penis. Because of this I’ve never tried to have sex again But now I have a GF and want to change things. Please help.
Michael

Dear Michael:

Maraming salamat sa sulat mo na una nating pinublish ng buo noong nakaraang Pebrero 16. Doon, sinabi ko na maa­aring sinabi ng mga kaibigan mo sa babae bago kayo pumunta sa kuwarto na sabihin nito ang sinabi niya sa iyo. Sila ang pu­mili ng babae, hindi ba, Michael, hindi ikaw?

Ikalawa, nakakasi­gurado ako na hindi ka matigas nang hinawakan ka ng babae, dahil ­diring-diri ka sa lugar at sino naman ang magi­ging nasa mood para sa sex kung hindi siya kompor­table o medyo hindi ma­buting asal ang pinapa­kita ng partner mo?

Ikatlo, kung ang iyong ari ay 2-4 inches bago tumigas, at 3.5-6 inches kapag tumigas, ito ay ang sukat ng ari ng karamihan ng mga Pilipino (at ibang taga-Asia). So wala kang kailangan alala­hanin kung ang ari mo ay 3.5 inches or mas mahaba du’n.

Ika-apat, kahit na hindi ko kilala ang girlfriend mo, palagay ko hindi siya ang klaseng babae na nag­lalagay kahalaga­han sa laki ng ari ng partner niya. Hindi ako magsisinungaling sa iyo, mayroong mga babae na ­ta­lagang may gusto sa ma­laking ari, pero para sa karamihan ng mga babae, hindi ito mahalaga. Para sa karamihan ng mga babae, mas mahalaga ang lalake (ang kanyang kabaitan, pagre­respeto sa ibang tao, pagmamahal para sa iyo, atbp) kaysa ang laki, haba o hugis ng ari niya.

Inaasahan ko talaga, dearest Michael, na hindi magiging dahilan ang isang salita na sinabi ng isang babaeng hindi mo kilala para hindi ka magkaroon ng buhay na dapat lang. Eto ay isang buhay na komportable ka sa pagsisiping at ­kahit ano pang aktibidad. Nakakatakot at nakakahiyang subukan mag­siping dahil sa una mong karanasan, pero pangako ko. It will be worth it.

Sana sulatan mo ulit ako kung mayroon pa akong maipaglilingkod sa iyo, Michael. Ingat—MG Holmes

***

Si Dra. ­Holmes ay nagsusulat sa TONITE tuwing Sabado at Linggo. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargiehol­mes at panoorin siya sa “Walang Echos” sa Abante Tonite Facebook tuwing ­Huwebes, 7 pm.