Abante Tonite Interactive

Pinagtawanan sa sandal: Heart sinopla ang basher

0 249

Nasopla ni Heart Evangelista ang basher niya na sinabihan siyang nakakatawa siya sa kanyang suot na Gucci or Chanel shoes habang nagsasayaw ng folk dance.

Nag-post kasi si Heart ng larawan nila ng mister na si Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero habang nagsasayaw sila ng folk dance sa Kasanggayahan Festival sa Sorsogon province.

Caption ni Heart sa larawan, “we did it! Congratulations to us 7,127 Sorsoganons for breaking the Guinness World Record for largest Filipino folk dance!

“My dear @escuderochiz, I am so proud of you for planning and conceptualizing this whole thing for your province. It wouldn’t have been such a success without you.”

Sa comments section ay may netizen na nagkomento ng “You look funny in your gucci or channel sandals you should have worn an abaca slippers which bicol region is known for.”

Hindi ito pinalampas ni Heart at sinagot niya ang basher.

“Huh? I wasn’t wearing Gucci dear. I was wearing abaca sandals from @aishefootwear. Check muna kasiiiiiii,” sagot ni Heart.

Pinagtawanan tuloy ng mga netizen ang basher na wagas kung makahusga gayung spelling lang ng Chanel ay hindi alam.

Hindi big deal sa mga anak kung bakla si Ogie

Dahil nga may asawa’t mga anak ang talent manager/comedian/producer na si Ogie Diaz, marami ang nalilito kung ano ba talaga ang kanyang kasarian.

“Bakla ako,” diretso niyang sagot nang tanungin siya ng isang kasamahan kung gay ba siya talaga.

“Bakla ako, even my kids, alam na bakla ako,” dagdag niya.

When asked kung paano niya ito in-explain sa kanyang mga anak, aniya, “hindi ine-explain. Kailangan, physically present ka. Tapos, ‘yung mga kaibigan ko, mga bakla, nakikita nila.

“At saka, walang ano, hindi na big deal sa kanila kung bakla ang tatay nila. Actually, sobrang proud sila,” he said.

Kuwento nga ni Ogie, kahit ‘yung mga classmates ng anak niya ay pinapapunta niya sa bahay nila at tuwang-tuwa raw ang mga ito sa mga joke niya.

Diretso ring natanong si Ogie kung non-practicing gay na ba siya at sagot niya, “kailangan. Kasi, naglalakihan na ‘yung mga anak ko, lalo na, tutok kami sa premature baby namin.”

Of course, hindi naman nawawala raw na nagkakagusto siya sa lalaki, pero ginagamit na lang daw niya ito sa pagdi-discover ng mga new talents.

“Kasi, kailangan mo talaga ng feeling. ‘Pag nagustuhan ko ‘yung lalaki at ‘pag nagustuhan ko ‘yung babae, ‘pwede ‘to!’” aniya.

So, bisexual siya?

“Ano bang issue? Wala namang issue do’n ke bakla ako o ‘bi’ ako,” sey niya.

Pero sa totoo lang, isa talaga sa kapuri-puri kay Ogie ay ang pagiging responsable niyang ama sa lima niyang anak at asawa kay Georgette del Rosario. Dito niya natalo ang mga totoong lalaki na bukod sa babaero, iresponsable, nanakit pa ng asawa.

Anyway, sa pelikulang iprinodyus ni Ogie na “Two Love You”, ilang percent nito ay kuwento ng kanyang buhay at katuwang siya sa nagsulat ng script nito.

Pinagbibidahan ni Lassy Marquez, Yen Santos, Hashtag Kid Yambao at MC Calaquian, showing na ngayong Nov. 13 ang “Two Love You”.