Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinaimbestigahan ng DepEd: Module niraket sa Facebook

0 80

Hiniling ng Department of Education (DepEd) ang tulong ng mga awtoridad para matukoy ang mga nasa likod ng raket na pagsagot ng module ng mga estudyanteng nahihirapan sa online distance learning.

Inihayag ito ni DepEd Secretary Leonor Briones kaugnay sa nag-viral sa Facebook group na mga estudyante na nagpapasahan umano ng sagot sa kanilang modules at exam.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Briones na hindi kinukunsinti ng DepEd ang ganitong gawain kung totoong may nagaganap na online cheating.

Kung mayroon aniyang nag-leak sa sagot sa mga module at napunta sa mga estudyante ay kailangan itong maimbestigahan.

“We are now seeking the assistance of the authorities and tracing `no kasi mayroon naman talagang – may questions kasi diyan eh at saka may key tayo for the answered questions,” ani Briones.

Batay sa ulat, may isang grupo umano sa Facebook kung saan nagkukumpara at nagpapalitan ng sagot ang mga estudyante sa kanilang module, partikular ang mga hindi makasabay sa mga aralin.

Babala pa ni Briones na hindi nila kukunsintihin ang pandaraya at agad na aaksiyonan. (Aileen Taliping/Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.