Abante Tonite Interactive

Pinakabatang heneral

110

Si General ­Alfredo M. Santos, na naging chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula 1962 hanggang 1965, ang kauna-unahang four-star gene­ral ng hukbong sandata­han ng bansa.

Nag­silbi siyang chief of staff ng AFP sa panahon ng admi­nistrasyon ni Pangu­long Diosdado Macapagal. Isa siyang inhinyero na na­ging sundalo. Isang kampo ang ­ipinangalan sa kanya sa ­Calauag, ­Quezon.

***

Si General Romeo Espino ang pinakamatagal na naging chief of staff ng AFP. Nanungkulan siya sa loob ng siyam na taon, lalo na noong panahon ng Martial Law.

Galing siya sa Philippine Army bago itinalaga bilang AFP chief. Katulad ni Santos ay produkto rin siya ng Reserved Officers Training Command o ROTC.

***

Related Posts

Si General Manuel T. Yan ang pinakabatang AFP chief na naitalaga sa nasabing posisyon sa edad na 48-taong gulang. Kanyang pinamunuan ang Philippine Constabulary (PC) bago naitalaga sa pinakamataas na posisyon sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.

***

Si Flaviano Yengko­ ay isa sa pinakabatang heneral noong rebolu­syon laban sa pamahalaang Kastila, kasunod nina Gregorio del Pilar at Manuel Tinio.

***

Si Aniceto Ledesma Lacson ay isang hene­ral noong rebolusyon. Nakilala siya dahil sa pamumuno sa Negros Revolution kasama ni Juan Araneta at bilang pangulo ng “Republika ng Negros” subalit hindi ito nagtagal.

***

Si Simeon Ola y Arboleda na isang bayani­ ng rebolusyon ang ­huling heneral na sumuko sa mga tropa ng Estados Unidos noong Philippine-American War.