Abante Tonite Interactive

Pinakain ng alikabok sa paramihan ng endorsement: Maine kinabog si Kris

623

Isang reliable source na miyembro ng grupo ng mga advertiser ang tinanong kung sino ang pinakamabenta at maraming endorsement ngayong 2019.

Hawak daw ni Maine Mendoza ang korona dahil iba-ibang brand ang ini-endorse niya unlike Kris Aquino na umano’y limitado.

Sa lalaki, parehas daw sina Coco Martin at Daniel Padilla.

Nasusukat din ang popularity ng isang celebrity sa dami ng endorsement dahil effective ito na makapag-impluwensya ng mga produkto.

Hindi maitatanggi na sandamakmak ang endorsement ni Maine. Itinanghal din siya bilang kauna-unahang Filipina endorser na makikipag-collaborate sa international make-up brand.

Ganun din ang “Queen of All Media” na si Kris Aquino. Gumawa pa siya ng kanyang social media platform na kung saan ay maipapakita niya ang mga produktong ineendorso niya.

Maraming nagtatalo kung sino ang pinaka-epektibong endorser sa bansa. Iba’t iba ang nagiging basehan kung paano susukatin ang impluwensiya ng isang celebrity endorser.

Hindi rin nawawala sa listahan na maraming endorsement sina Alden Richards, Kim Chiu, Xian Lim, Angel Locsin, Sarah Geronimo, Anne Curtis, Kathryn Bernardo, Piolo Pascual, Pia Wurtzbach, Sharon Cuneta, Judy Ann Santos at Marian Rivera.