Abante Tonite Interactive

Pinakamahal na resort sa buong mundo nasa Palawan

660

Isang bagong bukas na pribadong resort sa Palawan ang maituturing na pinakamahal na resort sa buong mundo, na nagkakahalaga ng $100,000 kada gabi o P5,200,000.

Sa isang ulat ng The Independent, ang Banwa Private Island, na matatagpuan sa Palawan, ay nag-aalok sa mga tu-rista o bisita nito ng isang private resort experience na may mga world-class amenities at services.

Sa isang opisyal na website, ang Banwa Private Island ay inilarawan bilang isang “tunay na pribadong isla” na may isang “beautifully personalized experience.”

Ang resort ay maaa-ring mapagkasya ang 48 katao sa mga villa at suite nito.
Ipinagmamalaki din ng Banwa ang lokal na inaani at sariwa na mga pagkain na inihahanda ng grupo ng mga chef nito.

Bukod sa pagbabad sa magagandang kapaligiran, maaari ring samantalahin ng mga bisita ang iba pang mga amenities tulad ng gym, massage suite, tennis court at jogging track, bukod sa iba pa.

Ang isla ay maaari lamang mapuntahan sa pamamagitan ng isang pribadong jet, helicopter, seaplane nang direkta mula sa Manila o mula sa mga lokal na paliparan sa Puerto Princesa o San Vicente. (Mina Aquino)